Dagupan City – Nagpaalala ang Ban Toxics sa publiko hinggil sa bungad na gabundok na basura pagkatapos ng malawakang pagbaha dulot ng bagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon, Campaigner ng Ban Toxics, matagal na itong suliranin ng bansa.

Aniya,hindi na bago ang dulot ngayon na bungad na bultong basura dahil sa epekto at dalang bagsik ng bagyong Carina dahil matatandaan na noong taong 2009 kung saan ay rumagasa rin ang tubig baha na dala ng bagyong Ondoy ay gabundok din na basura nag bumungad sa ilang lalawigan matapos humupa ang baha.

--Ads--

Dahil dito, marapat aniya na magpatupad ang pamahalaan ng isang panukala na dapat ay tumalima ang bawa’t lokal na pamahalaan nang sa gayon ay kahit papaan’y maiwasan ang pagbaha sa bansa.

Ang pagdami kasi aniya ng mga plastic-used ng publiko ay nagdudulot ng pagbara sa mga drainage system at sa mga estero kung dahilan upang na-sstock ang daloy ng tubig.

Kaugnay nito ay ang pagbabawas din aniya ng produksyon ng plastic gaya na lamang ng dispoasables dahil ito rin ang pangunahing nakasisisra ng karagatan.

Kasabay naman ng pagsulong aniya ng No segregation, No collection policy sa bawa’t bayan ay ang pag-papaalala at pagbibigay sana ng edukasyon sa publiko kung ano ang magiging epekto nito sa kalikasan.

Samantala, puinuri naman ni Dizon ay panukala sa Quezon City, dahil sa sistema nilang may mga araw na mga nabubulok lamang ang kanilang kinokolekta at mayroon din sa mga recylable at plastics.

Aniya, magandang panimula ito sa pagbibigay kaalaman sa publiko upang kahit paano’y tunmatak ito sa kanilang kaisipan at hindi lamang basta-basta nakakolekta.

Binigyang diin naman nito ang regulasyon sa Government Code kung saan ay dapat na obligado ang bawa’t baranggay sa pagsunod sa panukalang 20% reduction taon-taon at sa waste management system, dahil malaking tulong ito sa bansa.