Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung ang order mo ay kinain ng delivery rider?

Laking gulat kasi ng isang entrepreneur na kinilalang si Aman Birendra Jaiswal, mula sa India nang matuklasang kinakain ng isang delivery driver ng Ola Foods ang in-order niyang pagkain.

Sa kanyang social media post kamakailan, ibinahagi niya ang video kung saan nahuli niyang casual na kinakain ng delivery driver ang kanyang order.

--Ads--

Ayon kay Aman, bago ang insidente ay nanghingi muna sa kanya ang delivery driver ng dagdag na 10 rupees o katumbas ng P10 para ihatid sa kanya ang pagkain.

Noong una ay tinanggihan niya ang demand, dahil wala namang patakaran ang Ola Cabs na puwedeng manghingi ng extra ang mga delivery riders nito.

Ngunit makalipas ang tinatayang oras ay pumayag na rin si Aman, kahit ang hinihingi ng delivery driver ay sobra-sobra pa sa delivery charge na naibayad na niya.

Pagkarating ng rider, laging gulat ni Aman dahil casual rider ang pagkain nito sa parking.

Agad naman tinanong ni Aman kung bakit gano’n ang pangyayari ngunti tila ayaw patinag ng rider. Dahil dito, naghain ng complaint ang si Aman at kalaunan ay nakakuha rin ng refund.