Dagupan City – Nagbabala ang actress na si Max Collins at beauty queen-host na si Roberta Tamondong tungkol sa scammer na nagpapanggap na sila para makahingi ng pera at donasyon sa mga biktima umano ng super typhoon Carina.

Sa social media post ng dalawa, ipinaalam ng mga ito na wala silang kinalaman sa isang Viber user na ginagamit ang kanilang pangalan at pagkakakilanlan upang humingi ng pera sa kanilang mga kakilala at kaibigan.

Lumalabas kasi sa modus ng scammer, na ime-message nito ang mga kakilala nina Max at Roberta para humingi ng tulong donasyon para sa mga biktima umano ng bagyo at baha sa Marikina.

--Ads--

Dahil dito, agad nilinaw ng dalawa na wala silang hinihinging donasyon at hindi sila konektado sa modus.
Paalala ng dalawa, ugaliin na mag-doule check kung ang mga nakakausap sa social media ay lehitimong account o gawa-gawa lamang.