BOMBO DAGUPAN – Hindi sinang ayunan ng LGBTQIA+ Community ang ginawa NG Cebu-based personality at LGBTQ+ community me
mber na si Jude Bacalso kung saan nagviral ang photo sa social media na pinagalitan umano at pinatayo ng dalawang oras ang isang waiter ng isang restaurant sa Cebu.

Ayon kay Anne Marie Trinidad, President ng LGBTQIA +Urdaneta City, sa panaman sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, hindi tama ang pamamahiya sa ginawa niya sa isang waiter. Sana ay ginawa niya ito sa paraang hindi matatakot.

Ang ganoong pamamaraan ay hindi katanggap tanggap Imbes kasi na maturuan ng tama ay mistulang na trauma pa ang waiter.

--Ads--

Sinabi ni Trinidad na maari namang sabihin sa maayos na pananalita na hindi magdudulot ng pagkapahiya sa tao upang mapagtanto ninuman na ang kanilang hanay ay mga edukado.

Samantala, iminungkahi ni Trinidad na lahat sana ng establishment ay magkaroon ng gender awareness.

Matatandaan na binatikos ng netizens si Bacalso matapos umanong pagalitan ang waiter dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng “sir.”

Humingi naman ng paumanhin ang dating TV personality matapos umanong sermonan at patayuin ang nasabing server.