BOMBO DAGUPAN – Posible ang pagkamatay ng isda sa panahon ng tag ulan.
Ayon kay Dr. Westly Rosario, Former Center Chief, National Integrated Fisheries Technology Development Center – BFAR Pangasinan, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ito ay nangyayari kapag kinakapos sa oxygen ang mga isda.
Sinabi ni Rosario na nagkakaroon ng problema kapag bumaba ang oxygen level sa ilog dahil hindi kakayaning mabuhay ang mga alagang isda.
Ito ay nangyayari kapag bumaba aniya sa level 2 ang sukat ng dissolve oxygen sa tubig.
Ipinaliwanag nito na ang ideal na tubig ay may sukat na 5 at magsisilbing warning na kapag umabot na sa 3 ang oxygen level sa tubig.
Bagamat, ang panahon ng tag ulan ay may positibo at negatibong epekto sa mga alagang isda.
Ang maganda aniya kapag panahon ng tag ulan ay nangingitlog ang mga bangus at o iba pang isda. Pero ang negatibong epekto nito sa mga isda kapag malamig ang panahon ay hindi sila halos kumakain .
Pinayuhan niya ang mga bangus grower na huwag ipilit na mag alaga ng maraming isda kapag may kalamidad.
Una rito ay may mga bangus grower sa bayan ng Mangaldan ang napaulat na nagsagawa ng force harvest dahil sa nararasang pag ulan dulot ng sama ng panahon na Carina.