BOMBO DAGUPAN- “Ni katiting ay hindi napakinggan ang labor sector”
Yan ang ibinahagi ni Elmer Labog Chairman, Kilusang Mayo Uno ukol sa naging mensahe ni Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address pagdating sa usapin sa sektor ng paggawa.
Aniya na tila ba pati ang Pangulo ay nahihiya sa P35 dagdag sahod sa National Capital Region (NCR) sapagkat kung titignan ay hindi naman ito nakabubuhay.
Bagaman ang cost of living sa mga lugar sa labas ng Metro Manila ay halos pantay na at pantay na pasahod ang matagal ng ipinananawagan.
Pagbabahagi nito na sana ito ang nabigyang pansin sa SONA ng punong ehekutibo subalit ni katiting ay hindi napakinggan ang labor sector.
Dagdag pa niya na hindi dama ang sinasabing job creation sa bansa kung saan bahagi ng kanilang isinusulong ang pagkakaroon ng reguralization sa mga manggagawang kontraktwal.
Kaugnay sa P35 na dagdag sahod sa NCR aniya ay kung magbibigay ang rehiyon sa labas ng metro manila ay hindi lalagpasan ang nasabing dagdag sahod sa NCR.
Panawagan nila ang legislated wage hike sa lahat ng mangagawa sa sektor ng paggawa.
Samantala, magkakaroon anila sila ng malalaking pagtitipon sa kalye dahil nalalapit na naman ang Nobyembre 30 upang igiit ang pagiging seryoso sa kahilingan na dagdag sahod kung saan pinabulaanan nito na mahalaga ang partisipasyon ng bawat manggagawa sa pagsasagawa ng nasabing pagtitipon.
Gayundin ang paglaban upang kamtin ang family living wage at pambansang minimum na sahod.