BOMBO DAGUPAN- Nagpahayag ang Magsasaka partylist na ang puso ni Pangulong Marcos Jr. ay nasa mga magsasaka parin ito ay matapos ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ginanap noong Lunes.
Ayon kay Cong. Argel Cabatbat Chairman, Magsasaka Partylist na si Pangulong Marcos Jr. ay talagang para sa mga magsasaka at may isa lamang sa kanyang gobyerno na pinapaburan ay mga importer.
Aniya na sila ay natutuwa dahil binanggit kaagad ng punong ehekutibo tungkol sa sektor ng agrikultura kung saan ibinahagi nito na palawakin ang mga irigasyon sa bansa, bagay na matagal na nilang ipinananawagan.
Saad ni Cabatbat na bagamat ang pangulo ang nakapirma sa e.o no. 62 ay iba ang may ideya nito at wala ni isa ang nakonsulta sakanila kahit ni isang lehitimong magsasaka.
Kaugnay ng nasabing batas na nagpapababa ng taripa ng imported na bigas ay agad namang nagtaas ng presyo ang Vietnam sa world market noong mabalitaan ito.
Samantala, nagpaabot naman ito ng mensahe sa pangulo na nararamdaman na nagmamamalasakit ito sa mga magsaska subalit mainam na mag-ingat ito sa mga nakapaligid sakanya dahil may mga batas na hindi talaga nakatutulong sa magsasaka.
Panawagan naman nito na sana magkaroon sila ng boses sa malakanyang at mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa nasabing sektor.