BOMBO DAGUPAN – Isa sa mga nasaklawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang natapos na State of the Nation Address ay ang kagutuman at inflation sa bansa.
Ibinahagi ng punong ehektibo na nabawasan ang kahirapan sa kanyang panunungkulan.
Ayon kay Sony Africa Executive Director, Ibon Foundation na hindi madaling sumahin ang kalagayan ng mga Pilipino lalo na sa usapin pagdating sa kahirapan.
Aniya na bagamat ay ibinida ng Pangulo na isa ang bansa sa may fastest growing economy subalit hindi masasabing best performance ang ating ekonomiya kung lubog sa kahirapan ang bansa.
Saad nito na dapat ay inilagay sa konteksto ng Pangulo sa kanyang SONA ang numero o mga datos ng mga tulong na naibibigay sa mga mamamayan.
Bagamat aniya kung talagang nabawasan ang kahirapan sa bansa ay bakit walang pagbabago sa patakaran sa ekonomiya at bakit hanggang ngayon ay bagsak parin ang ating industriya.
Dagdag pa nito na walang sinabing makabuluhan ang pangulo sa nasabing usapin.
Samantala, pagdating naman sa sektor ng agrikultura aniya ay nakapagtataka na bilyon-bilyong piso ang nadagdag sa budget ng Department of Agriculture subalit bumagsak parin ang productivity ng agrikultura sa bansa.
Sa laki ng pondo sa nasabing sektor ay bakit lumala pa ang mga problema na kinapapalooban nito.
Sambit pa ni Africa na dapat hindi lamang short term solutions ang ibinahagi ng Pangulo sa malalaking problemang kinakaharap ng bansa bagkus ay pangmatagalang solusyon.