Dagupan City – Handang-handa na ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa anumang banta ng bagyo.

Ito ang siniguro ni Vincent Chiu, Operation Supervisor Pangasinan PDRRMO sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y dalang hagupit ni bagyong “CARINA”.

Kung saan 90% na ang kahandaan ng opisina kung sakaling magpatupad ng augmentation sa lalawigan.

--Ads--

Patuloy rin aniya ang kanilang pakikipag-tulungan sa mga tanggapan ng Local Government Unit partikular na sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), at Local Social Welfare and Development (LSWD).

Katuwang naman ng kanilang tanggapan ang tanggapan ng hanay ng kapulisan, Maritime Defense, Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at army.

Samantala, prayoridad naman aniya ang pagtutok sa mga landslide prone areas, low-lying areas, flood prone areas gaya na lamang sa Western part ng Pangasinan na kinabibilangan ng Bugallon, Lingayen, Labrador, Infanta, Mabini, Sual, Dasol, Burgos, Alaminos City, Agno, Bani, Bolinao, Anda at iba pa.

Paalala naman nito sa publiko na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang emergency response at tumawag lamang sa 911 nang sa gayon ay mas mapabilis ang kanilang aksyon sa mga nangangailangan.