Dagupan City – Lilikha ng mahigit 202,000 trabaho para sa mga Pilipino ang kasalukuyang investment pledges sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa kahapon (July 22, 2024).
Matatandaan na nauna nang sinabi Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na ang 20 proyekto na ipinangako sa Chief Executive sa kanyang presidential visits ay nag-ooperate na.
Kung saan ay umabot sa USD1.26 billion na halagang capital ang mga proyektong ito.
Ayon kay Pascual na nasa higit 200 investment leads sa DTI ang may potential value na mahigit USD70 billion.
Dahil dito, lumilikha ng pipeline ang project registrations para sa DTI-attached agencies Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).