BOMBO DAGUPAN – Buo ang suporta sa sektor ng edukasyon ang Lokal na Pamahalaan ng Dagupan at Barangay partikular na sa Bonuan Binloc kung saan isinagawa ang Division Kick Off Ceremony na Brigada Eskwela 2024.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez na prayoridad ng kanyang administrasyon ang edukasyon kung saan nakapaglaan ito ngayong Brigada Eskwela 2024 ng pondo na umaabot sa mahigit 5 milyon na ipapamigay sa lahat ng eskwelahan sa Dagupan.

Bukod dito ay magbibigay din umano sila ng libreng bag at mga kapote para sa ilang mga mag-aaral upang hindi na sila mamroblema pa sa mga ito dahil nalalapit na ang pasukan.

--Ads--

Aniya pa na marami pa silang mga ipinapatayo na mga eskwelahan at side development para sa nasabing sektor kung saan aabot umano sa 1 bilyon ang budget ng Edukasyon sa kanyang 3 termino bilang alkalde sa lungsod.

Binigyan diin nito na ang pondong inilaan dito ay dumaan sa konsultasyon na isinagawa na Parents Teachers Association o PTA Summit kung saan natalakay dito ang ilang prayoridad nila at kakailanganin ng nasabing sektor.

Kaugnay nito na tuloy-tuloy din ang suporta nito sa Scholarship Program na 200 milyon para sa mga kabataan dahil kagustuhan ng mga magulang ang makatapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral para dekalidad at pagpapabuti ng sapat na edukasyon sa lungsod.

Ikinatuwa naman nito na nakiisa ang mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program, mga volunteers at National Agency para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng paaralan sa nasabing kaganapan.

Ayon naman kay Punong Barangay Wilmer Castañares ng Barangay Bonuan na nagsisimula na silang tumutulong sa pagpapganda at pagsasaayos ng mga eskwelahan sa kanilang nasasakupan katuwang ang ilang mga barangay Families at iba pa.

Inaanyayahan naman nito ang ilan pa nitong kabarangay na makiisa at tumulong sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2024 upang masiguro ang ligtas na paligid para sa mga mag-aaral sa kanilang Barangay.