Dagupan City – Hindi nagpatinag at ipinakita ng iba’t ibang grupo ang kanilang pagkakaisa upang malaman ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang kanilang mga panawagan.

Kabilang sa mga namataan bago magsimula ang SONA 2024 ng pangulo ay sina ACT Teachers Partylyst Representative France Castro, Kabataan Partylist Raoul Danniel A. Manuel, at ang grupong Manibela.

Tampok naman ang pakulo ng “anti-government group” rally song kung saan ay pinalitan ng mga ito ang lyrics ng “Salamin, salamin ng Bini sa linyang “Salarin, salarin” at “Sa Bagong Pilipinas, ang galit ko ay walang mapaglagyan…”

--Ads--

Kasama pa sa ibang grupo na nagsagawa ng protesta ay ang mga katutubo na KATRIBU, kung saan ay inabangan nila umano sa bahagi ng Commonwealth Avenue ang pangulo ilang oras bago magsimula ang ikatlong SONA nito.

Samantala, bitbit naman ang malaking ng sektor ng kabataan kung saan ay nakasulat ang “USA IS NOT OUR FRIEND” “BIGUIN ANG MAKADAYUHANG INTERES NG US-MARCOS SA EDUKASYON!”