Dagupan City – Isa sa mga nabanggit ng pangulo sa kaniyang kasalukuyang ikatlong SONA ay ang kagawaran ng edukasyon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. mas tututukan pa ngayon ang digitalization at pagbibigay ng sapat na textbooks ng departamento nang sa gayon ay makasabay ang mga mag-aaral sa bansa.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng pangulo ang karagdagang mga empleyado/kaguruan, upang mas matutukan ang pagbibigay ng tamang edukasyon na nararapat sa mga estudyante.

--Ads--

Dagdag pa rito ang garantiya umano ng Teaching allowance upang hindi na humugot pa ang mga guro sa kani-kanilang mga bulsa.

Samantala, sinabi naman umano ng pangulo na isa ito ngayon sa hamon ng bagong kalihim ng edukasyon na si Sen. Sonny Angara na mabigyan ng agarang aksyon ang kagawaran para na rin sa kinabukasan ng mga mag-aaral.

Binitawan naman ng pangulo ang katagang “This is the call of our times, and we are moving to answer that call” habang nasa ilalim pa rin ng kaniyang mensahe patungkol sa edukasyon.