BOMBO DAGUPAN – Umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan si US President Joe Biden.

Ito ay matapos ang ilang linggong panawagan na bumaba na ito at maghanap ng bagong kandidato na tatakbo para sa pwesto.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na ito ay para sa pinakamabuting interes ng kanyang partido at ng buong Estados Unidos.

--Ads--

Inendorso ni Pres. Biden ang kanyang Bise Presidente na si Kamala Harris bilang bagong nominee ng Democrat party.

Sinabi naman ni Harris na intensyon nitong manalo sa halalan at gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang pagkaisahin ang buong bansa at talunin si dating US president Donald Trump.