BOMBO DAGUPAN – Puspusan na ang paghahanda ng Paris sa nalalapit na Olympics na gaganapin sa kanilang bansa.

Ayon kay Lucio Cruz Sia, Jr. Bombo International News Correspondent sa Paris, France na nagsisimula ng umingay ang mga tao sa pagsisimula ng olympics kung saan marami ng iba’t ibang mga aktibidad ang kanilang isinasagawa.

Kaugnay nito ay humihigpit na rin ang seguridad sa bansa at may mga partikular na lugar na dito na hindi maaaring pasukan ng publiko.

--Ads--

Tinatayang nasa 53,000 security personnels ang kanilang inihanda habang nagdala rin ang mga ibang bansa ganya ng quatar ng kanilang sariling security o mga pulis.

Pagbahahagi ni Sia na aktibo daw talaga ang nasabing bansa pagdating sa mag sports events isa na rito ang palagiang pagjajogging o pag-eehersisyo nila.

Samantala, pagdating naman sa turismo ng bansa ay hindi inasahan ng kanilang gobyerno na madami ang magcacancel ng trip patungo sa paris at bumaba ang mga hotel reservations bagamat ay madami ang umiwas sa paris olympics kaugnay na rin sa pagdagsa ng mga tao.

Aniya na dalawang taon pinaghandaan ng Paris ang nasabing palaro at maraming ginagawa ang kanilang gobyerno upang mapabuti ang sitwasyon doon.

Maayos naman ang pangangalaga ng ph embassy sa paris sa ating mga atleta gayundin ang paris olympics committee.