Dagupan City – Dumating sa bansa ang mga imported na bigas sa ilalim ng bagong tariff scheme.

Nagsimula ito noong hulyo 11 ngayong taon (2024) kung saan may 302 import clearances ang inisyu na may mababang taripa, tulad na lamang minamandato ng Executive Order 62.

Kung saan inaasahang maibebenta umano ang 35,594 metric tons ng imported na bigas na dumating sa bansa sa mas mababang halaga.

--Ads--

Base sa paunang pagtaya, P6 hanggang P7 kada kilo ang matatapyas sa retail prices dahil sa bawas-taripa.

Sa ulat, mararamdaman ng publiko ang pagbaba sa presyo ng bigas sa Agosto base na rin sa inilabas ngDepartment of Agriculture (DA).