Dagupan City – Nagsagawa ng General Assembly ang Mangaldan Mango Growers High Value Crops and Agriculture Cooperatives (MMGHVCAC) na isinagawa sa kanilang Cooperatives Office sa Barangay Pogo-Palua sa nasabing bayan.

Nakiisa sa programa ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Cooperatives Office (MCO).

Dumalo naman dito si Municipal Cooperatives Officer Dr. Rosallie Hulipas at ilang kawani ng MAO upang magpamalas ng suporta sa mga miyembro ng kooperatiba.

--Ads--

Ayon kay Dr. Hulipas, ang kooperatiba ay laging nakahandang tumulong at umantabay ang Cooperatives office ng munisipyo upang mapabuti, mapalago at makatulong pa ang mga ito sa mas maraming kababayan at sa pagsusulong ng maginhawang buhay lalo na sa mga kasapi.