Dagupan City – Binigyang pagkilala ng opisyal sa sektor ng agrikultura ang pagsasakatuparan ng Agrarian Emancipation Act o Republic Act No. 11953.

Ayon kay Sec. Conrado Estrella III – Department Of Agrarian Reform, layunin nito makawala ang mga magsasaka na nabaon na sa utang.

Dahil aniya, makikitang hirap na hirap na rin ang sektor at dumagdag pa ang nangyari noong pandemya, at ang pabago-bagong klima na siyang pangunahing naglulubog sa kanila sa kahirapan.

--Ads--

Kung kaya’t malaking tulong aniya ang panukalang batas na ito dahil sa wakas ay mapapasakamay na ng mga magsasaka ang titulo mismo ng kanilang mga lupain.

Ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat kay House Speaker Martin Romualdez dahil sa mabilis at walang atubiling pag-usad ng panukala, na siyang agad namang pinirmahan ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Samantala, ipinaabot naman ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III, ang kaniyang pasasalamat sa tulong na naibahagi sa mga magsasaka ng taga Pangasinan. At nangako itong patuloy ang suporta ng lalawigan sa adhikain ng pangulo na mapabuti ang bansa at maisakatuparan ang layunin nito tungo sa bagong Pilipinas.