Dagupan City – Mga kabombo! Ilang pagsusulit ang kaya mong gawin para lamang makapasok sa pangarap mong unibersidad?
Tatlo? Lima? o baka naman 16!
Ito ang nangyari kay Tang Shangjun mula sa China.
Ayon sa kaniya, pangarap niyang mag-aral sa Tsinghua University kaya naman nang makapagtapos ng highschool noong 2009 ay sinubukan na niyang kumuha ng exam para makapasa sa kanyang dream school.
Kilala ang Tsinghua University sa pagkakaroon ng sobrang taas ng required score sa admission exam, kaya ang mga gustong mag-aral dito ay parang dumaraan sa butas ng karayom.
Dahil dito, mistulang mailap pa rin sa kanya ang tadhana dahil kahit 16 na beses na siyang sumubok mag-exam ay hindi pa rin siya nakapasa sa naturang unibersidad.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin ito nakakapasa sa pagsusulit at nag-focus na muna ito sa paghahanap ng trabaho.
Aminado rin si Tang na kahit makapasok siya sa Tsinghua University at makapag-enroll sa kursong gusto niya ay mababa na rin ang chance niyang makakita ng magandang trabaho pagka-graduate dahil sa kanyang edad.