Dagupan City – Inilatag ng Kilusang Mayo Uno ang mga pangunahing dahilan kung bakit kabilang ang Pilipinas sa kulelat pagdating sa work/life balance.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno malinaw na problema sa pamamahala at pagpapatupad ng mga batas sa sektor ang sanhi kung bakit hanggang ngayon ay naghihikahos pa rin ang mga manggagawa sa bansa.

Aniya, mahirap sabihin na mayroong work balance ang bansa, dahil kung titignan naman ang realidad ay naghihirap ito at sa katunayan ay nag-aagawan ng trabaho’t oportunidad.

--Ads--

Dahil dito, sinasamantala naman ng mga kumpaniya at employers ang demand, at sa katunayan ay na-oobliga rin sila na magtrabaho overtime dala na rin ng mababang pasahod sa bansa.

Kung susuriin ding mabuti aniya, dapat ang 24 oras sa loob ng isang araw ay nakahati sa tamang work balance, kung saan ang 8 oras daspat ay nakalaan sa trabaho, 8 oras para sa pamilya at 8 oras naman para sa pamamahinga.

Ngunit taliwas ito sa aniya sa nangyayari ngayon at sa katunayan ay marami na ang nagkakaroon ng sakit o problema sa kalusugan, emotional breakdowns, depression, anxiety, at mental health illness.

Kung bibigayang tugon lang sana aniya ng pamahalaan ang makabubuhay na sahod na siyang matagal ng isinusulong ng mga union, ay hindi na maghihirap pa ng sobra ang mga manggagawa sa bansa, dahil karamihan naman sa mga ito ay panay ang kayod para lamang pambuhay sa pamilya at makasabay sa nagtaasang bilihin sa merkado.

Panawagan naman nito sa publiko, sumama sa mga union para maaddress ang mga problema sa sektor at mabigyang tugon ang matagal ng sulirnanin ng bansa sa sektor ng manggagawa.