Dagupan City – Naging matagumpay ang 30th anniversary concert ni Ara Mina, ang All of Me, na idinaos sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.

Makikita rin sa lobby ng theater ang naka-display na kaniyang mga trophies, Ganundin ang gowns at outfits na ginamit niya sa ilang pelikula at TV shows, controversial gown sa Mano Po, na entry ng Regal Films sa 2002 Metro Manila Film Festival sa loob ng tatlong dekada niya sa showbiz.

Kabilang naman sa kaniyang mga ipinakita ay ang opening number ni Ara kung saan ay itinampok nito ang pinasikat niyang kanta na” Oops, Teka Lang” at “Kung Kailangan Mo Ako.”

--Ads--

Kaugnay nito, nag-perform din ng tribute song ang asawa niyang si Dave Almarinez, sabay ang pagtawag ni Ara sa una niyang guest na si Martin Nievera. Kinanta nila ang “Forever.”

Sumunod namang naka-duet ni Ara ay si Ogie Alcasid kung saan kinanta nila ang “Bakit Ngayon Ka Lang.”