Dagupan City – Maaaring tumaas ng nasa 10 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng itlog habang papalapit ang pagbubukas ng klase.
Ito ang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) kung saan ang price range ng medium egg sa Metro Manila ay naglalaro sa P5.50 hanggang P9.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa tuwing sumasapit talaga ang ‘ber’ months ( mula September to December) ay talagang nagti-trigger ito dahil na rin sa panahon ng paglakas ng demand sa itlog.
Kaugnay nito ay nagsimula na rin ang pagtaas ng presyo sa ilang mga lugar gaya na lamang ng kung isasaalang-alang ang mga epekto ng “third quarter syndrome” — o ang outbreak period ng sakit — kung saan ang mga layer ay apektado ng mga namamatay at bumaba ang produksiyon.
Ngayong buwan (hulyo) umiiral na farmgate price ng medium egg ay nasa P6.46 bawat piraso, mas mataas sa P6.07 noong nakaraang buwan at sa P5.80 sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.