BOMBO DAGUPAN- Hiling ng mga botante sa Amerika, huwag na umanong ipagpatuloy ni President Joe Biden ang pagtakbo nito bilang presidente sa susunod na termino. Mariin din itong pinapaniwalaan ni Gary San Mig Arceo, Bombo International News Correspondent sa Florida, USA, at dapat pakinggan ni Biden ang payo ng mga botante sa Amerika.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, maging partido umano ni Biden ay sang-ayon na umatras na lamang ito sa pagkapresidente.

Aniya, sa ilalim ng administrasyong Biden, hindi kase nagustuhan ng karamihan sa mga botante ang pamamalakad nito para sa kanilang bansa.

--Ads--

Maliban diyan, may kalagayan na din umano ito sa kaniyang pisikalidad na maaaring maging balakid sa kaniyang pamumuno.

Samantala, batay sa isinagawang presidential poll sa Amerika, lumalabas na halos 2/3rds sa mga Democrats ay dapat nang umatras si Biden at magnomina ng bagong kandidato sa pagkapresidente ang kanilang partido.

Kaugnay nito, 3 sa 10 Democrats ang nananatiling naniniwala na may mental capability ito upang matugunan ang pagiging pagkapresidente nito.

Gayunpaman, naging sanhi sa nasabing mababang bilang ang hindi kagandahang performance nito sa nakaraang presidential debate.