Dagupan City – Tiniyak ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na makakamit ang investment approvals na P200 billion hanggang P250 billion ngayong taon (2024).

Suportado ito ng pinalakas na projections ng malakas na gross domestic product (GDP) growth at promising developments sa international trade agreements.

Dahil dito ay inaasahan ng mga economist at credit rating institution ang paglago ng ekonomiya sa second half ng taon, kung saan tinatayang pangungunahan ng Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations na may projected GDP growth na 6 percent hanggang 7 percent.

--Ads--

Matatandaan na nagkaroon kamakailan lamang na kasunduan sa trilateral pact na kinasasangkutan ng US, Japan, at Pilipinas, ang accession ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership at ang paparating na Free Trade Agreement (FTA) sa South Korea ay makatutulong sa pagpapasigla sa trade and investment inflows.