BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo, aakalain mo ba ang isang tao na lumalantak ng apoy?
Huwag ka dahil isang lalaki sa Cebu City ang may kakaiba na talento na kayang lantakan ang nag-aapoy na baga.
Ngunit paano niya kaya ito nagagawa?
Sa isang programa sinabi ni Gerwin Paraginog na dalawang dekada na siyang kumakain ng apoy.
Nagsimula raw ang interes niyang matutong kumain ng apoy nang minsan na may magtanghal sa kanila na circus.
Subalit aminado naman siya na nasaktan siya noong una siyang lumantak ng apoy at apat na araw siyang hindi nakakain dahil sa tinamong mga paso sa loob ng kaniyang bibig.
Pero dahil sa gusto talaga niyang matuto ng pagkain niya ng apoy, kaya nang gumaling ang mga paso sa kaniyang bibig, inulit niya ang pagkain ng apoy
Nang tumagal nang tumagal, sinabi ni Gerwin na natutunan na niya ang tamang diskarte para hindi mapaso.
Pero syempre may mga tao rin umano na sadyang manhid o walang nararamdamang sakit na tinatawag na congenital insensitivity to pain with anhidrosis (CIPA).
Isa umano itong pambihirang kondisyon na hindi konektado nang maayos ang pain sensing nerve sa bahagi ng utak na nakatatanggap ng pain messages.
Napakabihira umano ng kaniyang disorder na nangyayari lang sa 1 in 125 million people.
Samantala, ipinaliwanag naman ng isang doktor ang peligro ng ginagawa ni Gerwin sa pagkain ng apoy, lalo na ang baga na maaaring makaapekto sa kaniyang kalusugan sa hinaharap.