BOMBO DAGUPAN – Nasungkit ng National Capital Region ang unang pwesto sa Palarong Pambansa 2024 matapos makakuha ng 98 Golds, 66 Silvers at 74 bronzes na sa kabuuan ay may 238 na bilang ng mga medalya.
Habang sa ikalawang pwesto naman ay ang Calabarzon na may 57 golds, 51 silvers at 53 bronzes.
Samantala sa ikatlong pwesto ay ang Western Visayas na nakapagtala ng 56 golds, 41 silvers at 41 din na bronzes medal.
Ikaapat ang Davao Region, ikalima ang Central Visayas, at Central Luzon para sa ikaanim na pwesto.
Sumunod naman ang Eastern Visayas, Socsksargen, Northern Mindanao, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Caraga, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Ilocos Region, MIMAROPA, Bangasamoro ARMM, National Academy of Sports at Phil. Schools Overseas.
Matatandaan na opisyal na nagsimula ang nasabing palaro noong Hulyo 9 at magtatapos ngayong araw Hulyo 16.
Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa upang magpaligsahan naman sa iba’t ibang larangan sa isports na ginanap naman sa Cebu City.