Dagupan City – Nagisa ang mga opisyales ng Local na Pamahalaan ng Urdaneta City sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan kaugnay sa usapin sa land reclassification issue.
Ipinatawag ang ilang mga opisyales ng syudad sa pangungunana ni Mayor Julio ‘Rammy’ Parayno III para depensahan ang mga nagtatayuan na mga instruktura sa bypass road at sa ilang lugar sa syudad na hindi dumaan sa pag aproba ng reclassification sa Sangguniang Panlalawigan.
Ayon kay Mayor Parayno, kanilang isinumite lahat ang ordinansa at mga dokyumento ngunit ni-refuse o tinanggihan ito ng tanggapan ng SP Secretariat.
Aniya, nakapag-comply ang mga ito ng Certification mula sa Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform na mga requirements.
Agad naman inusisa ng presiding officer ng SP Pangasinan na si Vice Governor Mark Ronald Lambino ang paratang ng alkalde sa hindi pagtanggap ng mga dokyumento.
Ayon kay Vice Governor Lambino, nagkulang ang isinumiteng papeles ng Sangguniang Panlungsod ng Urdaneya hinggil sa reclassification ordinance kaya hindi tinanggap ang mga dukyumento.
Sa panig naman ni Sangguniang Panlungsod Secretary Rufino Ramil San Juan V., inamin nito na nagkulang ang kanilang opisina sa mga dokumento matapos paliwanagan ni Lambino sa bagong derektiba na kinakailangan sa land reclassification documenta.
Binigyang linaw pa ni Vice Gov. Lambino na hindi talaga tatanggapin ng Sangguniang Panlalawigan ang mga dokumento kapag kulang at walang nakalagay na reclassification proposal mula LGUs sa ilalim ng bagong panuntunan ng Dept. of Human Settlements and Urban Development.