Dagupan City – Mga kabombo! Isa ba kayo sa palaging nag-sasana all tuwing may mga post sa social media na “sugar daddy” ?
Ibahin niyo itong si Lina na residente ng Barranquilla, Colombia.

Dahil aniya, sa kaniyang early mid-20s ay ilang beses siyang nagkaroon ng relasyon sa mga ka-edad niya ngunit lahat iyon ay nauwi sa breakup.

Ayon kay Lina, ang tipo nito sa isang lalaking ay may financial stability, at kaya siyang bigyan ng komportableng buhay.

--Ads--

Sa kaniyang kwento sa isang panayam, dahil sa kaniyang paulit-ulit na heartbreaks ay nare-realize ni Lina na mukhang malabong matagpuan niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng seguridad sa buhay—lalo na kung kasing-edad niya.

Kung kaya’t naisip ni Lina na dahil bata pa siya, sariwa, at may hitsura naging lapitin ito ng mga may-edad nang lalaki—at karamihan sa mga ito ay mga lolo na pensiyonado.

Dito na niya napagdesisyunan na makakamit niya ang hinahanap na emotional and financial stability kung ang magiging dyowa niya ay mature na.

Sinimulan ni Lina na tumambay sa mga parke at iba pang lugar na hangout ng mga pensiyonadong kalalakihan.

Sa ngayon, take note, hindi lang isa- kundi, pitong mga pensioners ang kanyang karelasyon.
Masaya naman ito dahil lahat sila ay tinutulungan siya sa kanyang mga pinansiyal na pangangailangan.