BOMBO DAGUPAN – Hindi malayo na maghigpit lalo ang seguridad sa pagdaraos ng darating na eleksiyon sa Estados Unidos matapos ang nangyaring attempt assasination kay dating US President Donald Trump.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucio Blanco Pitlo III – Foreign Affairs and Security Analyst, Research Fellow, Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation dahil sa insidenteng ito ay mapupunta ang simpatiya ng mga tao kay Trump.

Marahil hindi naman pangkaraniwan sa kasaysayan ng nasabing bansa ang ganoong pangyayari lalo na sa larangan ng eleksiyon at kung may ganitong insidente man ay ilang dekada na ang nakalilipas.

--Ads--

Kaugnay nito ay hudyat ito na mas lalong tumitindi ang tensiyon sa politika maging ang political polarization ay umiigting.

Samantala, pagbabahagi nito na malayong staged o palabas lamang ang pangyayari dahil kung titingnan ay mahigpit ang political race sa pagitan ng dalawang kandidato sa pagkapangulo.

Subalit, maaari ding magbenepisyo si Trump dito lalo na kung kung lalabas na mas decisive at positive siya sa kabila ng ganitong tangka sa kaniyang buhay.

Dagdag pa nito na mainam na irespeto na lamang ang proseso at hintayin ang magiging resulta subalit umaasa ito na gugulong ang imbestigasyon at mabibigyan ng hustisya ang pangyayari.