Dagupan City – Hawak na ngayon ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang cellphone ng bumaril kay Dating US President Donald Trump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Professor Gabriel Ortigoza, Bombo International News Correspondent sa USA, isa ito sa malakas na makikitang ebidensya kung sakaling may makitang mga palitan ng komunikasyon ng suspek na si Thomas Matthew Crooks, 20-anyos.

Makikita kasi aniya sa social media post ng suspek bagama’t kapartido nito ang dating pangulo dahil parehong Republican ang dalawa ay malinaw na kontra at gigil na gigil ito sa dating presidente.

--Ads--

Ayon kay Ortigoza, isa ito ngayon sa eye-opener sa Estados Unidos, upang mabigyang pansin ang pagrebisa ng kanilang batas sa pagbebenta ng baril sa mga kabataan na nasa edad 20-anyos pababa.

Sa Estados Unidos kasi aniya, hangga’t mayroon kang pambili ng baril ay nagiging alas mo ito upang makakolekta at bumili ng kahit ilang bilang.

Kaugnay nito, inaalam na rin ng ahensya sa bansa kung ano ang kinalaman ng suspek na piniling magtago nang hindi ipinaalam na may nakaakyat sa isang building kung saan nagtungo ang suspek.

Lumalabas kasi na ang tinawag ang pulis ng mga nagtungo sa Rally ang makita na may umaakyat sa building, ngunit nang puntahan ito ng pulis ay inambahan naman ito ng putok ng baril kaya’t tuluyang natakot naman ang pulis.

Samantala, ipinag-utos naman ni US President Joe Biden na mas higpitan pa at sisiguruhin nito ang seguridad sa mga ganitong klaseng rally dahil mainit ang pulitika sa bansa.