Dagupan City – Kinakailangan ng hindi bababa sa P200-billion budget kada taon para sa irrigation projects ng National Irrigation Administration (NIA) upang matiyak ang food security sa bansa.

Sa naging pahayag ni NIA Administrator Eddie Guillen, popondohan ng P200-billion budget ang short hanggang long term projects ng ahensiya tulad ng pagtatayo ng matataaa nadams, restoration projects, solar pump irrigation initiatives, at water impounding projects.

Layunin ng ahensiya na ipanukala ng Department of Budget and Management (DBM) ang P200 billion budget para sa sa susunod na taon.

--Ads--

Kaugnay naman nito ay umaasa si Guillen na tutulungan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang ahensiya na makakuha pa ng mas malaking alokasyon sa sandaling simulan ang budget deliberations para sa P6.352-trillion proposed national expenditure plan.

Target ng departamento na isumite sa Kongreso ang panukalang budget para sa susunod na taon isang linggo matapos ang nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa July 22, sa kasalukuyang taon (2024).