BOMBO DAGUPAN- Nakipagpulong na si US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa grupo ng Homeland Security at sa direktor ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon kay Biden, pinapangunahan ng FBI ang imbestigasyon at kasalukuyang nasa ‘early stage’ pa lamang ito.

Hindi pa din aniya natutukoy ang motibo ni Thomas Crooks sa kaniyang pagtagkang pagpaslang kay ex-US President Donald Trump.

--Ads--

Samantala, tiniyak ni US President Joe Biden ang kaligtasan ni ex-US President Donald Trump, lalo na sa dadaluhan nitong Republican Convention sa Wisconsin.

Sa press conference, ilalagay umano nila si Trump sa pinahigpit na lebel ng seguridad.

Nagbigay na din ang punong ehekutibo ng Estados Unidos ng derektiba sa Secret Service upang review-hin ang lahat ng security measures.