BOMBO DAGUPAN- Napansin umano ng isang lalaking sibilyan ang kahina-hinalang galaw ng suspek bago mangyari ang pamamaril sa political rally ni former US President Donald Trump.

Ayon kay Ben Macer, nakita nito ang gunman na palipat lipat ng posisyon sa iba’t ibang rooftop na malapit sa pinagganapan ng rally.

Aniya, sa kaniyang pagtatantiya, 5-7 minuto makalipas nang magsimula si Trump nang mapansin nila ang armadong lalaki.

--Ads--

Agad naman nila itong pinaalam sa Secret Service subalit, hindi umano ito matagpuan ng mga otoridad kahit ilan beses na aniya itong tinuturo.

Hanggang sa marinig na lamang nila ang 5 putok ng baril at nagsimula nang magkagulo ang mga taong dumalo sa naturang rally.

Ipinagtataka naman ni Macer kung bakit walang sapat na seguridad sa mga maaaring pinagtaguan ng gunman.