BOMBO DAGUPAN – Mayroong iba’t ibang proseso at requirements na kailangang sundin kaugnay sa pagpapakasal.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo, Resource Person Duralex Sedlex na ang mga proseso at requirements na ito ay importanteng alamin lalo na kung ikakasal sa isang banyaga o dayuhan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan aniya na may isang kaibahan sa pagpapakasal sa foreigner at pagpapakasal naman sa parehong Pilipino.

--Ads--

Bago maikasal sa isang dayuhan ay kailangan muna nitong humingi ng sertipikasyon sa kanyang embahada na siya ay single at no legal impedement to marriage, ibig sabihin kwalipikado itong ikasal.

Bagamat ay hindi bibigyan ng marriage license ang isang tao kung kasal na pala ito maliban nalang kung ito ay dumaan sa legal annulment, divorce o biyudo at biyuda na.

Kaugnay nito ay mahalaga rin na malaman kung ilang taon na ang isang taong nais ikasal upang malaman kung nasa tamang edad na ba ito kung saan makakakuha ka lamang ng marriage license kapag nakapag-comply ka sa mga requirements na hinihingi ng Office of the Civil Registrar.

Sa mga edad 18-20 kinakailangan muna ang notaryado na parental consent ayon sa family code ng Pilipinas habang kung ikaw ay nasa edad 21-25 ay kailangan naman ng parental advice.

Samantala, binigyang diin ni Atty. Tamayo na mainam na kilalanin muna ang pamilya, magulang at mga kapatid ng iyong karelasyon na banyaga upang masiguro na sila ay mabuti.