Dagupan City – Isa umanong bad joke ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kung saan ay tinawag ang sarili nito bilang ‘designated survivor’ sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address ng pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, Legal/ Political consultant ang ‘designated survivor’ kasi ay hango sa palabas sa netflix partikular na sa bansang Amerika kung saan ay may nangyaring dark force na siyang ikinasawi naman ng lahat ng mga namumuno sa kanilang pamahalaan at may isang ‘designated survivor’ ang naiwan upang siyang mangasiwa at mamuno sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Abril, bagama’t maituturing na biro at isang uri ng figure of speech ang sinabi ng bise ay hindi pa rin ito nangangahulugan na tama na ang kaniyang ginawang pagbibiro.

--Ads--

Samantala, sinabi naman nito na kinakailangan na ng pinal at mayaos na line of succession sa bansa, dahil kung mangyari man ang hindi inaasahang pagkakataon na mapamahak ang mga lider, magreresulta ito sa hindi maayos na pamamalakad na siyang ikasisira naman ng pagkakaisa sa bansa.