BOMBO DAGUPAN- Bababa lamang ang kikitain ng pamahalaan at ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagpapatupad ng pagbaba ng taripa ng imported na bigas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Paul Rubio, Magsasaka sa Bongabon, Nueva Ecija, labis lamang makakaapekto sa lokal na bigas ng bansa ang pagpasok ng maraming imported na bigas.

Gayunpaman, dapat lamang ito bigyan ng aksyon ng pamahalaan upang hindi ito labis makaapekto sa local production ng bigas.

--Ads--

Bilang magsasaka, binabarat umano ang presyo ng kanilang palay sa tuwing anihan dahil sa pagtangkilik ng mga consumer sa imported na bigas.

Samantala, nagkaroon man ng pag ulan ngunit saglit lamang ito kaya kinakailangan pa din aniya nila ng patubig sa kanilang sakahan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang kanilang paggamit ng water pump bilang paghahanda sa pagtatanim ng palay.

Mahina din kase aniya ang tubig na nagmumula sa irigasyon.

Dahil dito, napapagastos sila upang makagamit lamang ng nasabing water pump.

At sa pagtaas pa ng produktong petrolyo, lumalaki pa lalo aniya ang kanilang ginagastos.

Saad ni Rubio, wala din katiyakan na magkakaroon sila ng magandang presyo sa kanilang pag-ani dahil magkakasabay-sabay umano ang mga magsasaka ngayon sa panahon ng anihan.