Dagupan City – Mga kabombo! Hilig niyo ba ang magpa-massage upang marelax?
Baka ito na ang right hand for you?
Isang lalaki kasi sa Nagoya, Japan na kinilalang si Shogo Yoshida ang ipinanganak ng may rare genetic condition.
Ayon sa ulat, tinawag itong pachydermoperiostosis (PDP) dahilan upang lumobo ang dulo ng kanyang mga daliri na kasing-laki ng bola ng ping-pong.
Lumalabas din na nagsimula siyang mag-viral sa iba’t ibang social-media platforms sa Japan taong 2022 nang ibahagi niya ang mga larawan ng kanyang mga daliri na umani ng pangungutya.
Saad ng mga nitizens, ginagamit daw nito ang kondisyon para lang kumita ng pera sa social media.
Samantala, ayon naman kay Shogo, habang lumalaki ito ay nakagawa siya ng paraan upang magkaroon ng positibong epekto ang para sa iba ay abnormalidad niya.
Naisip niyang magpalaganap ng awareness tungkol sa kanyang rare condition gamit ang social media, at mag-promote ng inclusivity para sa mga kagaya niyang may deformity. Paliwanag niya sa isang bumatikos sa kanyang mga uploaded videos, katulad din lang siya ng mga model na ginagawa namang puhunan ang kanilang kagandahan.
Hanggang sa matuklasan niya ang kakaibang skill gamit ang kanyang mga daliri. Natuto itong magmasahe ng scalp gamit ang mga daliri, at tuluyan na ring dumami ang kanyang mga suki.
Dahil dito, mula sa kaniyang pagiging assistant ay naging full-fledged hairstylist na si Shogo.