BOMBO DAGUPAN– Naalarma ang Provincial Health Office dahil lima sa siyam na nasawi sa kagat ng aso sa lalawigan ng Pangasinan nitong taon ay dahil sa kagat ng mismong alaga nilang aso habang apat naman ay kagat ng mga galang aso.
Ayon kay Dr. Ana Maria Teresa de Guzman, Provincial Health Officer sa lalawigan ng Pangasinan, ang mga alagang aso na ito ay lumalabas na hindi nabakunahan.
Kaugnay nito, nananawagan si de Guzman sa mga pet owner na bakunahan ang mga alagang aso.
Muling ipinaalala rin nito na sa sandaling nakagat ng hayop ay kailangan na agad na magpa bakuna mabakunahan na agad at obserbahan pati ang aso.
Hiling din niya na kapag namatay ang aso ay puputulin ang ulo nito para ipasuri at huwag kakainin ang katawan. Ito ay dahilkapag lumabas ang resulta at positibo sa rabies ang aso,ang lahat ng kumain sa karne nito ay kailangan namabakunahan din.
Kaya giit niya na dapat na magkaroon ng ordinansa sa mga barangay nanagbabawal sa pagkain ng karne ng aso.
Dagdag pa niya na mahalaga ding maglabas ng ordinansaang provincial board na kung kinakailangan aymagkaroon ng impounding facility para sa mga astray oi mga pagala galang aso.
Una rito ay napaulat na tumaas ng 125 percent ang bilang ng mga namatay dahil sa rabies sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Hulyo 8, ngayong taon kung saan ay nakapagtala ang lalawigan ng 9 kaso ng rabies mas mataas kumpara sa apat na kaso na naitala noong 2023.