Dagupan City – Inaasahan ang paglatag ng long-term solutions sa suliranin ng bansa sa nalalapit na SONA ni President Ferdinand Marcos Jr. ngayong Hulyo 22, 2024.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hindi lang dapat paglalatag ng mga accomplishments ang masambit ng pangulo, bagkus ay ang kaniyang mga plano para sa bansa.
Aniya, isa sa mga inaasahan nito ay ang plano sa kasalukuyang kinakaharap na suliranin sa Departamento ng Edukasyon, Departamento ng Kalusugan, at ang Sektor ng Agrikultura.
Bagama’t hindi nito binigyan ng bagsak na grado ang pangulo, sinabi ni Yusingco na kulang pa rin ang ipinapakitang aksyon ng pangulo, dahil sa kasalukuyan ay mga short-term solutions lamang ang nagagawa nito.
Samantala, patungkol naman sa issue ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) kung saan ay kumakalat ang Poll machine bribery scheme, sinabi ni Yusingco na dapat ay nauna muna ang imbistigasyon bago ang publicity dahil nakakaapekto na naman ito sa tiwala sa pamahalaan, lalo na sa magiging resulta ng election.