BOMBO DAGUPAN -Nananawagan ang militar ng Israel sa lahat ng mga residente ng Gaza City na lumikas sa timog patungo sa gitnang Gaza Strip, sa gitna ng pinaigting na operasyon sa hilaga.

Naghulog ng mga leaflet ang sasakyang panghimpapawid kung saan ay nakasaad doon na lahat ng tao sa Gaza City ay kailangang umalis na.

Ito ang pangalawang pagkakataon na inutos ang paglikas mula nang magsimula ang digmaan sa Gaza City .

--Ads--

Sa nakalipas na dalawang linggo, muling pumasok ang mga pwersang Israeli sa ilang mga distrito kung saan naniniwala ang militar na ang Hamas at Palestinian Islamic Jihad fighters ay muling nagsama-sama.

Sinabi ng Hamas na ang panibagong aktibidad ng Israel sa lungsod ay maaaring makasira sa mga negosasyon para sa tigil-putukan at kasunduan sa pagpapalaya ng hostage.

Iginiit din ng nangungunang opisyal ng Hamas na si Hossam Badran na sinusubukan ng i pressure ang negotiations sa pamamagitan ng pinapaigting na bombing operations at pagmasaker.