BOMBO DAGUPAN- Tinuligsa ng US Officials ang isang AI-powered information operation na pinapatakbo mula sa Russia.

Kabilang na umano dito ang 1,000 accounts na nagpapanggap bilang mga Amerikano.

Ayon sa US justice department, pinangunahan umano ng isang deputy editor sa isang TV Channel sa Kremlin ang nasabing operasyon.

--Ads--

Dalawang website ang tinuligsa ng justice department. Ito umano ang ginagamit para magpadala ng mga emails na kinasasangkutan ng mga bot accounts.

Batay naman sa mga dokumento ng korte, artificial intelligence ang gunagamit upang gumawa ng mga account, at ito din ang ginagamit upang ipakalait pa ang mga pro-Russian story lines, partikular na sa gyera na umiiral sa Ukraine.