Dagupan City – Enjoy na enjoy ang actress na si Julia Montes, kasama ang kaniyang rumored partner na si Coco Martin na mukhang on-vacation mode sa Spain.

Sa social media, nag-post ng larawan si Coco at makikita ang mga sweet photos nila ni Julia sa harap ng Casa Battlo sa Barcelona, Spain.
Agad naman itong umani ng samo’t saring reaction kung saan ay nangibabaw ang kilig sa mga CocoJuls fans.

Kasama rin sa mga nagkomento sa post ay sina Vhong Navarro, Dimples Romana, Isabel Oli-Prats, EA Guzman, at Jake Cuenca.

--Ads--

Ayon sa actress, sang-ayon ito na mas nagiging mas solid ang isang relasyon kapag magkasamang nagtra-travel sa labas ng bansa.

Samantala, umani naman ng parangal ang actress bilang Best Actress para sa pelikulang Five Breakups and A Romance, at Best Acrtress din ito sa 7th EDDYS.