GAZA CITY, Palestine — Kinumpirma ng Palestinian sources na isa sa mga apat na nasawi ang isang senior Hamas administration official sa kamakailang pagatake ng Israel sa isang eskwelahan sa Gaza City.
Ayon sa impormasyon na ibinigay ng isang local official sa media, itinalaga si Ehab Al-Ghussein upang pamunuan ang affairs ng Hamas government sa nasabing teritoryo at gayon na rin sa northern Gaza tatlong buwan na ang nakalilipas.
Magugunita na sinabi ng Israeli army na nagsagawa ito ng air strike sa bahagi ng eskuwelahan kung saan nagtatago at nago-operate ang mga terorista.
Si Ehab Al-Ghussein ay dating deputy labour minister sa Hamas administration at bago nito ay naglingkod ito bilang interior ministry spokesman.
Ang kanyang pagkasawi ay hindi naman itinuturing na malaking kawalan sa Hamas military, ngunit itinuturing ito bilang mahalagang indibidwal sa leadership ng Hamas administration.
Matatandaan na maraming mga indibidwal na kabilang sa nasabing administrasyon ang nasawi sa nakalipas na siyam na buwan.