BOMBO DAGUPAN – Hindi isinasara ng TV host na si Luis Manzano ang pagkakataong pasukin ang pulitika o public service sa mga susunod na taon.

Hindi maikakaila na nasa pamilya ni Luis ang pagiging politician kung saan naging mayor, kongresista, at gobernador ang ina niyang si Vilma Santos sa Batangas at naging vice-mayor naman ng Makati City ang ama niyang si Edu Manzano.

Kaugnay nito ay nagsilbi ring senador ang stepfather ni Luis na si Finance Secretary Ralph Recto.

--Ads--

Kaya’t marami ang nagsasabi na puwedeng-puwede pasukin din ni Luis ang mundo ng pulitika.

Samantala, pinag-iisipan naman ng kaniyang ina na si Vilma ang muling pagtakbo bilang gobernador ng Batangas.