Dagupan City – Mabibigyan ng higit sa P510 million fuel subsidies ang nasa 160,000 na mga magsasaka na nagmamay-ari o nagrerenta ng makinarya na ginagamit sa crop, livestock, at poultry production.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kung saan ay maglaan ang departamento ng P510.447 million para sa mga magsasaka na naka-enroll sa Registry System for Basic Sectors of Agriculture.
Ang mga indibidwal na nag-mamay ari ng agricultural machinery at equipment ay tatanggap ng fuel subsidy na tig-P3,000.
Ang inisyatibang ito ay sa ilalim ng assistance cards na ipagkakaloob ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa pangunguna ng Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering and Regional Field Offices ng departamento.