BOMBO DAGUPAN – Nagsagawa ng 2nd quarterly meeting ang Provincial Peace and Order Council at Provincial Anti-Drug Abuse Council kaugnay sa peace and order at drug situation ng lalawigan Pangasinan

Sa pahayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino sinabi nito na nagkakaroon ng progreso sa pagsasaayos at pagkawala ng ilegal na aktibidad sa lalawigan.

Aniya ay nagkaroon din ng update ang PNP, AFP at PDEA sa kasalukuyang status ng peace and order at drug situation sa lalawigan kung saan batay sa datos na ibinigay ng PDEA ay nadagdagan ang mga barangay na kinokonsedera nang drug-cleared.

--Ads--

Maliban dito ay base din sa report ng PNP ay nagkaroon ng makabuluhang pagbaba ng kriminalidad sa lalawigan kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Ani Vice Governor ay naging mas tahimik at maayos ang lalawigan.

Samantala, tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang proposed ordinance no.56-2024 o ang ordinanasang naglalayong i-require ang mga motorista kabilang na ang motorsiklo, e-bike, at tricycle na gumamit ng reflectorized vest.

Ito ay kaugnay sa tumataas na kaso ng mga aksidente sa kakalsadahan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.