BOMBO DAGUPAN– Isyu sa West Philippine Sea ang isa sa pangunahing inaasahang babanggitin ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Prof. Mark Anthony Baliton- political analyst sa panayam sa kanya ng bombo Radyo Dagupan, inaasahan na matatalakay niya ang pagiging agresibo ng China sa teritoryo ng bansa at kung ano ang idudulot nito sa pambansang seguridad .
Importante din aniya na banggitin ng pangulo ang usapin sa agrikultura at problema sa peace and order situation sa bansa.
Samantala, ang nakikita naman ni Baliton na kahinaan ng administrasyong Marcos ay ang hindi pagkakasundo sa larangan ng pulitika sa pagitan ng pamilya ng pangulong Marcos at bise presidente Sara Duterte dahil sa pagkawala ng Uniteam.
Binigyang diin niya na ang kahalagahan ng SONA ay para malaman ng taumabayan ang tunay na katayuan ng ating bansa.
Maraming kaganapan sa gobyerno at dapat ipaalam sa kababayan ang mga importateng detalye.
Dito ay makikita kung ano ang maaaring kontribusyon ng mga ordinaryong Pilipino para matugunan ang mga problema.