Dagupan City – Mga kabombo! Para sa breakout pop star na si Chappell Roan, hindi raw naging madali ang daan tungo sa tagumpay ng Twenty-six years old ngayon si Chappell.
Ayon kay Rona, 17-years old pa lamang ito ay nang lumagda siya ng kontrata sa Atlantic Records. Kung saan ay inilabas niya ang kanyang unang single noong 2017 na may pamagat na “School Nights.”
Lumalabas din na hindi gaanong naging maganda ang pagtanggap ng listeners sa kanyang single. Ngunit noon namang 2018, umalis na siya sa kanyang hometown sa Willard, Missouri at nanirahan sa Los Angeles at taong 2020 nang tuluyang ini-release nito ang awiting “Pink Pony Club” at kinilala ito ng USA Today bilang isa sa 10 best songs of 2020.
Pinarangalan naman ito ng entertainment news website na Vulture bilang 2012 Song of the Summer. Gayunpaman, hindi mabenta ang kanta commercially kahit sikat sa social media.
Hindi rin nito na-hit ang target sales ng Atlantic Records. Dahil doon, binitiwan na si Chappell ng naturang record company.
Dahil natengga ang kanyang singing career, nagpasya si Chappell na magtrabaho muna bilang barista sa isang coffee shop. Makalipas ang ilang buwan ng pagiging barista, tumanggap din siya ng part-time job.
Hanggang sa muling nakilala ito sa laarangan. Sa ngayon, apat ang kanyang single na nasa Billboard Hot 100.
Dahil sa bagong opportunity na dumating sa kanyang music career, para kay Chappell ay hindi siya nagkamali na magpahinga muna noon at naging barista at yaya pansamantala para hintayin ang tamang pagkakataon.