BOMBO DAGUPAN- Nagmula umano sa salitang Hiligaynon ang ugat ng kasaysayan ng Bombo Radyo Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent sa bansang Australia, ang salitang Bombo ay nauugany sa pagtambol ng tambol o drums.

Sa pagsasalaysay niya, dating empleyado ang kaniyang ama na si Eddie Suede ng Bombo Radyo IloIlo noong 1972 na kung tawagin ay DYFM pa lamang. Taong 1980-81 umano nang simulang tawagin ang call sign na Bombo Radyo.

--Ads--

Aniya, tuwing Oktubre noong sila ay musmos pa lamang ay gumagawa sila ng drums bilang pagselebra ng Dinagyang Festival. At sa panahong ito, narinig umano kay Suede ang katagang “I-Bombo taka” kung saan sinabi niya umano ito sa kaniyang kapatid.

Ang katagang ito ay isang salitang hiligaynon na nangangahulugang “paluin ng tambol”. At dahil dito, nagkaroon aniya ng ideya ang kaniyang ama sa panibagong pangalan ng nasabing radio station.

At sa taong 1980-81, nang inakyat umano ng kaniyang ama ang pinakaunang tambol ng Bombo Radyo Philippines.

Ikinwento din ni Suede, matapos magkaroon ng panibagong pangalan ang estasyon, sumunod na binigyan ng pangalan ng kaniyang ama ang programang “Bombo Hanay sa Ugto” kung saan umupo din ito bilang anchor nito.

Samantala, sa likod ng magandang kasaysayan ng Bombo Radyo Philippines, kabilang ang kaniyang ama sa 8 tinanyagang Bombo Martyr o mga pinaslang na emepleyado ng Bombo Radyo.

Kaugany nito, umabot sa 80,000 ang dumalo sa mga nakilibing patungo sa huling hantungan ng mga nasabing Bombo Martyr.