BOMBO DAGUPAN – Nakakuha ang isang lalaki ng $50,000 na premyo sa Maryland Lottery matapos gumamit ng isang set ng mga numero na kinopya niya mula sa plaka ng isang sasakyan.

Pagbabahagi nito na madalas niyang sinasaulo ang mga numero ng plaka sa kalsada o sa pinangyarihan ng mga aksidente kung saan ay ginagamit ang mga ito sa paglalaro ng Pick 5 drawings.

Isang  hanay ng mga numero ang n agdala ng swerte sa kanyang tiket para sa pagguhit ng Pick 5 ng tanghali noong Hunyo 26, at itinugma niya ang lahat ng limang iginuhit na digit: 2-0-5-3-3.

--Ads--

Ang nasabing tiket ay nakakuha ng $50,000 jackpot.

Ayon naman sa lalaki na ang kanyang napanalunan ay mapupunta sa pagsisimula ng isang savings account para sa kanyang apo.